ANG lindol na tumama sa Itbayat ay nagresulta ng pagkasira ng ilang kabahayan at iba pang historic sites sa naturang bayan.
EYESHA ENDAR
MAGBIBIGAY ng P10-M donasyon ang Chinese government sa Pilipinas para sa recovery ng mahigit 2,000 biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.
Sa isang pahayag, sinabi ng Chinese government na ang donasyon ay bilang tulong sa mga biktima ng lindol at suporta na rin sa pamahalaan sa pagsisikap nito na muling maibangon ang Batanes at tulungan ang mga local resident na bumalik sa kanilang normal na buhay.
Nagpaabot ng simpatya at pakikiramay ang Chinese government sa mga pamilyang apektado ng lindol.
Naniniwala rin ang embahda na malalagpasan ng mga Pilipino ang kalamidad sa pamamagitan ng magaling na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.