Nanganganib na hindi makapaglaro sa buong regular season ng 2019-2020 ang NBA player na si Demarcus Cousins.
Ito ay matapos na magtamo ng torn ACL injury sa kasagsagan ng pag-eensayo kasama ang buong team ng Los Angeles Lakers.
Magugunitang lumagda ng one-year deal ang manlalaro sa lakers matapos itong malagay sa free agency.
Maaalala rin na hindi nakapaglaro si Cousins sa first half ng 2018-19 season dahil sa torn achilles.
Si Cousins ay may averaged na 21.2 points and 10.9 rebounds per game sa loob na siyam na NBA season nito.