POL MONTIBON
Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sila lang ang may otoridad na magbigay ng working permit sa mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas.
Pahayag ito ng DOLE kasunod ng kuwestyonableng pagdami ng Chinese workers sa bansa.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, pinapayagan naman ng batas ang Bureau of Immigration at Department of Justice na magbigay ng special working permit.
Nabatid na lumobo sa higit isandaan libo ang bilang ng foreign workers sa mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hubs, kung saan karamihan ay mga Chinese.