JHOMEL SANTOS
BAHAGYANG bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa second quarter ng taon.
Batay sa datos na inilabas ng naitala lamang sa 5.5% ang Gross Domestic Product o GDP growth ng bansa, mas mababa ito sa 5.6% na paglago noong unang quarter ng 2019 at sa 6.2% sa second quarter ng 2018.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, hindi ito umabot sa target na GDP growth ng pamahalaan kung saan kailangan makapagtala ng hindi bababa sa 6.4% na paglago sa ekonomiya para makamit ang full year target na 6% hanggang 7%.
Ani Pernia, ito na ang pinakamabagal na GDP growth sa nakalipas na 17 quarters.
Para sa 2nd quarter ng 2019, ang services sector ang may pinakamataas na kontribusyon na 7.1 %, sinundan ng industry sector – 3.7% at ang agriculture – 0.6%.
Ilan naman sa binanggit ni Pernia na dahilan ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ay ang US-China trade war, ang nararanasang El Niño at ang pagkakabinbin ng pagpasa sa 2019 National Budget.
Nanawagan naman si Pernia sa on-time passage ng fiscal year 2020 budget para maiwasan madiskarel ang economic goal sa susunod na taon.