SINABI ni Environmental Secretary Roy Cimatu, na hindi isasara ang El Nido pero tuloy ang rehabilitasyon.
JHOMEL SANTOS
MANANATILI pa ring bukas ang El Nido, Palawan sa mga turista sa gitna ng inaasahang clean-up drive dito.
Sa press conference nina Environmental Secretary Roy Cimatu, Interior Secretary Eduardo Año at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sinabi ni Cimatu na hindi isasara ang tourist destination pero tuloy ang rehabilitasyon dito.
Gayunman, sinabi ni Cimatu na lilimitahan para sa swimming at anumang water activities ang ilang outfalls area sa Bacuit Bay at Corong-Corong dahil sa mataas na coliform levels.
Sinabi naman ni Sec. Año na isasailalim din sa rehabilitasyon ang Coron, Palawan dahil sa madaming bilang ng informal settlers sa lugar.
Habang patuloy pa rin aniyang ipasasara ang mga lumabag sa environmental laws.
Una nang inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapasara sa 3 lugar sa Bacuit Bay at isang lugar sa Corong-Corong ng tatlong buwan dahil sa mataas na fecal coliform level sa mga outfall.