Ang Good Posture ay hindi lamang simpleng bagay lamang. Mas kaaya-aya na tignan ang mga taong may maayos na tindig at nakakatulong ito upang makaiwas sa anumang sakit dulot ng maling pag tindig at makakapagresulta naman din ito sa pagtaas ng kompyansa ng isang tao.
CHAMPAIGNE LOPEZ
Malaki ang epekto ng Posture o Tamang tindig ng isang tao, dahil sa pamamagitan ng maayos na tindig ay mas nabibigyan ng mataas na kompyansa ang mga taong alam ang wastong pustura at sa tamang posture ay pinapabuti nito ang daloy ng dugo sa ating katawan dahil mas nakakadaloy ang ating dugo ng maayos na nagdudulot rin ng mabuting epekto sa ating kalusugan.
Ang pagkakaroon ng maganda at maayos na tindig ay sadyang magandang tignan. Nagmumukhang kagalang-galang at marangal ang mga tao na wasto ang pustura.
Samantala, ang mga taong may maling posture naman ay maari naman magbunga ng hindi mangandang resulta at pinsala sa kanila katawan.
Narito namn ang mga bagay na dapat natin malaman upang magkaroon ng maayos na tindig o Good Posture:
- Kung ikaw ay nakatayo, ihanay ng maayos ang iyong katawan.
- Kung ikaw ay nakaupo, ideretcho ang likod at ipantay ang dalawang balikat.
- At kung magpapahinga na at matutulog siguraduhin na may unan lagi sa ialalim ng iyong ulo dahil maaaring sumakit ang iyong leeg , likod at balikat na maaring mag-resulta ng hindi maayos na pustura.
Benepisyo ng Good Posture
Ang pagkakaroon ng maayos at magandang pustura, makakaiwas ka sa ano man sakit kagaya ng biglaan na pagsakit ng katawan at pagka-ngalay. At makaktulong rin upang makaiwas sa injury at stress.