EYESHA ENDAR
MATAPOS umani ng sandamakmak na batikos ay tinanggal na ng Grab Philippines ang kanilang promotional post na may kaugnayan sa Gerald Anderson cheating issue.
Sa naturang post makikita ang mga larawan ng na-link kay Gerald na sina Julia Baretto, Bea Alonzo, Maja Salvador, Pia Wurtzbach, Kim Chui at Sarah Geronimo na may caption na “Sa Grabcar 6-seater pwedeng magsabay-sabay.”
Pinalagan ng mga fans ng mga aktres ang nasabing post dahil anila dapat ay nirerespeto at hindi dapat ginagawang katatawanan ang personal experience ng mga ito.
Dahil dito, agad na humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Grab at sinabing wala silang intensyon na bastusin ang nadawit na local stars at kanilang relasyon.