STEPHANIE MACAYAN
MALAKING parte ng ating buhay ang bawat desisyong ating gagawin, kaya dapat magkaroon ng kaugalian patungo sa maayos na pag-iisip.
Ang bawat gawain at desisyon ay ating pinag-iisipan. Ang lahat ng ito ay maaaring magbunga pagdating ng panahon. Ito ay magbibigay sa ‘yo ng magandang buhay, kasiyahan, kalungkutan, at kawalan ng pag-asa. Kaya dapat malaman ang pitong kaugalian upang mabawasan ang pag-sisisi at magkaroon ng positibong pamumuhay.
Ang pitong kaugalian na makakatulong sa bawat indibidwal ay:
Pang araw araw na ehersisyo
Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 20 minuto kada araw. Simpleng paglalakad, pagtakbo at paglangoy para sa maayos na pagproseso ng mga impormasyon. Makatutulong din ang yoga para sa kalusugan ng utak.
Intellectual curiosity
Dapat bukas ang kaisipan sa bagong kaalaman. Gumugol ng ilang oras na nakatuon sa pag-iisip, paggalugad ng mga bagong ideya araw-araw. Mahalagang mapanatili ang angkop na pag-iisip dahil pinapalawak nito ang kaalaman at kasanayan sa buhay, patungo sa tagumpay.
Palawakin ang pagkamalikhain
Hamunin ang iyong isipan sa mga unrelated ideas na maaring maiugnay sa bago at kapaki-pakinabang na paraan.
Pakikiisa sa kapwa
Panatilihin at gumawa ng close-knit bonds kung saan nag-tutulungan at sinusuportahan ang bawat isa.
Spiritual connectedness
Alamin ang pinagmumulan ng iyong inspirasyon at sagradong kahulugan ng buhay. Makatutulong ito upang maipakita sa bawat indibidwal ang kahulugan ng bawat karanasan at koneksyon nito sa iyong sarili, sa ibang tao maging sa kalikasan.
Balanced diet
Dapat maging balanse sa pagkain, dahil ang pagkain ay may epekto sa katawan gayundin sa pag-iisip.
Simpleng pamumuhay
Dahil tayo ay may kalayaang gawin ang mga bagay-bagay, dapat maging responsable sa mga pangangailangan. Makatutulong ito upang ang isang indibidwal ay hindi maging materialistic at mas pinipili ang simple ngunit makabuluhang buhay.
Ang pitong pamamaraan na ito ay maaari mong pag-aralan at gamitin sa pang araw-araw, tandaan at huwag mong kalilimutan na ang kalidad at kinabukasan ng iyong buhay ay nakabase sa kung paano ka mag-isip.