NI: MARILETH ANTIOLA
MARAMI sa atin ang naghahangad at pinapangarap na magkaroon ng makinis at magandang balat at kung ano-ano ng produkto ang sinusubukan upang makamit lang ito.
Nauso noon ang Aztec Indian healing clay mask na sinasamahan din ng Apple Cider Vinegar (ACV); pinaghahalo ito bago ilagay sa mukha. Kabilang din ang mga sumisikat na mga beauty supplement na binebenta sa mga online shops.
Patok na patok ngayon sa mga millennials ang sumisikat at pinagkakaguluhang jade roller.
Jade roller din ang ginagamit ng mga artistang sila Heart Evangelista Escudero at ni Kim Chiu. Ipinakita ni Kim sa isa niyang vlog sa youtube na nakakatulong ito lalo na gumanda ang balat at ma-relax ang mga facial muscles.
5 dahilan bakit dapat gamitin
- Napapabuti ng jade roller ang sirkulasyon ng dugo, nagdaragdag ng produksyon ng collagen at pagkaelastiko ng balat.
- Nade-detoxify ang katawan sa pamamagitan ng pagpapasigla ng lymphatic drainage.
- Pinapaginhawa ang mga kalamnan sa mukha at ginagawang mas epektibo ang mga produktong pampaganda.
- Napapahingaang iyong katawan at nang ang mga cell ay muling mabago.
- Pinipigilan ang pagpapanatili ng likido at nababawasan ang dark circles sa ilalim ng mga mata.
Mga pakinabang ng paggamit
- Binabawasan ang pamamaga at puffiness ng balat sa ilalim ng mata o mga eyebags.
- Nare- reshape ang contour ng mukha.
- Binabawasan ang mga wrinkles sa paligid ng mga mata, labi, noo, at leeg.
- Pinasisigla ang sistemang lymphatic.
- Pinapabuti ang sirkulasyon ng dugo.
- Nagpapaganda ng kutis ng mukha.
- Nakakatulong upang mapaliit ang mga pores sa mukha.
- Nakakatulong din upang mabawasan ang hitsura ng mga pinong linya sa mukha.
Walang mawawala kung susubukan mo ito, sa murang halaga makakabili ka na ng jade roller na makakatulong lalo upang matamo ang maganda at makinis na mukha sa ligtas at natural na paraan.
Say goodbye to eyebags, pores at wrinkles.
References:
https://www.facebook.com/search/top/?q=jade%20roller%20&epa=SEARCH_BOX