BUKOD sa isinampang kaso ng SEC, nahaharap din si Pastor Joel Apolinarioat mga opisyal ng KAPA sa hiwalay na kasong syndicated estafa sa NBI.
JHOMEL SANTOS
IPINABABASURA ng kampo ni KAPA Community Ministry International Inc. (KAPA) founder Pastor Joel Apolinario sa Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa laban sa kanila ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Ang mosyon ay inihain ng KAPA kasabay ng preliminary investigation ng DOJ sa criminal case na paglabag sa Securities Regulation Code na inihain ng SEC laban sa KAPA.
Bigo pa rin dumalo sa pagdinig si Apolinario at tanging mga abogado lang nito ang dumating.