DEFENSE Secretary Delfin Lorenzana
Binigyang diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kahalagahan ng National Disaster Resilience Summit para sa pagpapatupad ng Philippine DRRM System at climate change action plan.
Umaasa ang kalihim na makatutulong ang nasabing summit upang matupad ang kanilang target na maging handa ang bansa sa panahon ng kalamidad.
Minamadali na aniya ng 18th congress ang pagpasa ng batas na lilikha sa Department Disaster Resilience.
Hinikayat ni Lorenzana ang lahat ng sektor para sa aktibong partisipasyon para mabawasan ang epekto ng kalamidad sa bansa.
Samantala, sinabi ni Lorenza na nagpapatuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektado sa nangyaring lindol sa Itbayat, Batanes kung saan siyam ang patay habang animnapu’t tatlo ang sugatan.
Magdadala din ang Defense Department ng mga materyales para sa pagtatayo ng labing limang bahay na nasira.