BALIK-trabaho na ang aktor na si Matteo Guidicelli matapos ang ilang buwang training bilang isang military reserve force.
Magugunitang nagtapos si Matteo ng may pinakamataas na grado sa kaniyang scout ranger force.
Ngunit say ni Matteo, hindi dito nagtatapos ang kaniyang military journey.
Ibinahagi din nito na nakatakda silang maglabas ng documentary patungkol sa kaniyang naging life-changing experience habang nagsasanay kasama ang army special unit.
Umaasa ang Cebuanong singer-actor na magugustuhan ng publiko at magsisilbing inspirasyon sa iba ang kaniyang karanasan bilang scout ranger upang mahingkayat ang iba na lumahok bilang reservist.
Noong nakaraang buwan lang nang grumaduate si Matteo sa kaniyang military leadership class.