CRESILYN CATARONG
MAY bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Agosto.
Sa abiso ng Meralco, nasa 0.42 sentimos kada kilowatt hour ang ibababa sa kanilang singil bunsod ng mababang generation charge.
Ang bawas singil ay katumbas ng 83 pesos na bawas bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; 125 pesos sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; 167 pesos sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at 209 pesos sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.
Ito na ang ika-apat na sunod na buwang may bawas-singil sa kuryente na kung susumahin ay aabot ng halos piso kada kilowatt hour.