CRESILYN CATARONG
Dapat na nakapaskil sa mga kitang lugar ang tinatawag na “Citizen’s Charter” sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Ito ang iginiit ni anti-red tape authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News.
Ayon kay Belgica, nakalista sa citizen’s charter ang mandato ng ahensiya, mga kinakailangang requirements sa bawat transaksyon at kung magkano lang ang babayaran ng kliyente.
Maaari namang suspendihin ng 6 na buwan ang sinumang lalabag dito.