EYESHA ENDAR
MAGSUSUMITE na si Manila Mayor Isko Moreno ng rekomendasyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para suspendihin ang mga barangay official ng Baseco compound.
Sinabi ni Moreno na dalawang lang ang mga barangay official sa Baseco, walang pakialam o nakikinabang sa illegal activities sa lugar.
Tiniyak ng alkalde na hindi sila titigil hanggang hindi nalilinis ang Baseco laban sa illegal activities.
Ayon naman kay MPD District Director Brigadier General Vicente Danao, sa loob ng dalawang linggo nilang operasyon ay nakarekober sila ng nasa 63 na mga armas at pampasabog at naka-aresto ng 37 katao na umano’y sangkot sa illigal na droga at pasugalan.
Sinabi ni Danao na nasa limampung porsyento na nilang nalilinis ang Baseco.
Samantala, partikular sa mga binanggit ni Mayor Isko na lugar na kanyang sunod na ipapalinis ang mga Barangay 275, 20, 105, 120, 128, 129, at 123.