JHOMEL SANTOS
PLANO ng Metro Manila Development Authority o MMDA na bakuran ang yellow lane para makontrol ang daloy ng mga bus sa EDSA.
Kasunod ito ng mahigpit na pagpapatupad sa yellow lane para sa mga bus sa EDSA.
Sinabi ni MMDA traffic czar Bong Nebrija na bahagi ito ng road diet proposal ng ahensiya na maglagay ng 7-meters para sa mga bus na dumadaan sa EDSA.
Ayon kay Nebrija, ang pagbabakod sa bus lane ay isang paraan para maging eksklusibo lang sa mga bus ang yellow lane at madesiplina ang mga driver nito.