MARGOT GONZALES
SISIMULAN na ang decommissioning ng libu-libong Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighters sa unang Linggo ng buwan ng Setyembre na gaganapin sa Sultan Kudarat.
Ito ay ayon kay Peace Process Spokesperson Wilben Mayor na bahagi sa tinatawag na normalization track sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Personal itong sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay Mayor.
Sa ilalim ng decommissioning process, iti-turn over ng mga miyembro ng MILF ang kanilang mga armas sa gobyerno na bahagi ng 30% o katumbas ng 12,000 combatants na magti-turn over ng kanilang mga armas sa pamahalaan para sa taong ito.
Ang panibagong 35% ng MILF forces ay sasailalim din sa katulad ng decommissioning process sa susunod na taon at ang matitira ang kukumpleto sa proseso sa 2022 kasabay ng exit agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF.