NGAYONG Biyernes ay muling nagpakawala ng missiles ang North Korea matapos lamang itong maglunsad ng dalawang missile tests sa loob lamang ng walong araw.
Ang naturang missile test ay itinuturing na isang babala laban sa gaganaping military exercise sa pagitan ng US at South Korea na ayon sa NoKor ay isang banta sa denuclearization talks nito sa Amerika.
Nauna namang sinabi ni US Pres. Donald Trump na hindi siya nangangamba sa sunod-sunod na missile tests ng Pyongyang habang kinumpirma ng Washington na tuloy ang military drill ng Amerika at South Korea ngayong Agosto.
Sa ginanap na closed door meeting ng UN Security Council noong Huwebes ay nagkaisa ang UK, France at Germany na patawan ng Intl sanction ang Pyongyang at buwagin ang nuclear at ballistic missile programs sa bansa.