BIBIGYAN ni Sen. Manny Pacquiao ng karanasan sa pagkatalo si Floyd Mayweather Jr. sa oras na muling magtuos ang dalawa sa ring, ito ang paniwala ni Top Rank CEO Bob Arum.
Sinabi ni Arum, na siguradong papatok ang rematch ng dalawang kampeon gaya ng una silang magharap apat na taon na ang nakalilipas.
Matatandaang kumita ng nasa $600 million ang bakbakan nina Pacquiao at Mayweather noong 2015 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Samantala, umabot sa mahigit $24,000 (katumbas ng mahigit P1.2 million) ang subasta ng boxing trunks na sinuot ni Pacquiao sa laban nito kay Keith Thurman.
Isinubasta ang nasabing boxing shorts bilang suporta sa charity works sa pamumuno ng American TV host na si Jimmy Kimmel; ilalaan ang pera sa mga may sakit ng Amyotrophic lateral sclerosis (ALS) o mas kilala sa taguriang Lou Gehrig’s disease.