TERRIJANE BUMANLAG
HINIKAYAT ng Philippine National Police ang mga mambabatas na muling buhayin ang Anti-Subversion Law.
Ito ay bilang suporta na panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang mawakasan ang limang dekadang communist insurgency sa bansa.
Ayon kay PNP Director For Police and Community Relations, Police Major General Benigno Durana Jr., malinaw ang dalang panganib ng CPP-NPA at Front Organization na sumusuporta dito.
Patuloy din anyang ginagamit ng grupo ang demokrasya para sirain ang demokrasya.
Una nang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na ang pagbuhay sa anti-subversion law ay magpapalakas sa kampanya ng gobyerno para wakasan ang karahasan ng CPP-NPA sa bansa.