JHOMEL SANTOS
Sang-ayon ang Philippine Amusement And Gaming Corporation o PAGCOR sa mungkahing higpitan ang screening sa mga Chinese national na gustong pumasok ng Pilipinas.
Kaugnay ito sa isyu ng lumobong populasyon ng Chinese workers sa bansa.
Sinabi ni PAGCOR Chair Andrea Domingo na kailangang masala kung sino sa mga pumapasok na chinese ang turista at nais magtrabaho.
Iginiit ni Domingo na kailangang makakuha ng alien employment permit ang bawat dayuhan na gustong magtrabaho sa Pilipinas.
Ayon sa PAGCOR chair, posibleng biktima ng illegal operators ang ilang chinese workers na may hawak lang na tourist visa.
Dagdag pa ni Domingo na nasa kamay na ng Bureau of Immigration at Department of Labor and Employment kung paano hihigpitan ang pagbibigay ng visa sa mga dayuhan.