TERRIJANE BUMANLAG
Nagsimula na noong August 12 ang teleseryeng pinagsamahan nina Joshua Garcia at Janella Salvador.
Ito ang simula ng loveteam na Joshnella.
Para sa mga tagahanga ng aktor, ito ang kanyang bagong simula matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang ex-girlfriend ng dalawang taon na si Julia Barreto.
Naniniwala naman si Joshua na ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa ni Janella.
Matatandaang naging matagumpay ang mga pelikula at teleseryeng pinagsamahan nina Joshua at Julia.
Pero ngayon handa na siyang yakapin ang buhay na hindi kasama ang babaeng dating minahal.