Terrijane Bumanlag
Mistulang nauwi sa bible debate ang pagsusulong sa death penalty bill ni Sen. Manny Pacquiao sa plenaryo ng senado.
Sa kaniyang pagtayo sa senado bilang sponsor ng panukala, binanggit ni Pacquiao ang ilang verse sa Bibliya kaugnay sa kapangyarihan ng estado na magpataw ng parusang kamatayan kung kinakailangan.
Mas lalong tumindi ang pagtalakay sa panukala nang magtanong si Senate Minority Leader Franklin Drilon.
Punto ni Drilon na maaaring magkamali sa pagpapataw ng parusang bitay kung saan inihalimbawa nito ang sinapit ng Panginoong Hesukristo.
Aminado si Pacquiao na sadyang ganito ang nakatakdang mangyayari kaya mahirap gawing halimbawa ang pagpako kay kristo sa krus.
Sinabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi palaging tama ang “Vox Populi, Vox Dei” dahil noon ay naging tinig ng nakararami na patayin si Hesus at palayain naman si Barabas.