CRESILYN CATARONG
IPINAUUBAYA na ni Senator Christopher Bong Go sa local at national government ang pagpapasya kung dapat nang alisin o palawigin pa ang martial law sa Mindanao.
Sinabi ni Go na tiwala siya sa assessment na gagawin ng pamahalaan at handa niya itong suportahan anuman ang maging desisyon.
Ayon kay Go, bilang isang Davaoeño ay pabor siyang maalis na ang martial law sa lungsod lalo pa at tiwala naman siya sa desisyon ni Mayor Inday Sara Duterte.
Kinumpirma din ni Go na magkakaroon ng general assessment hindi lang sa Davao kundi sa buong Mindanao para makapagpasya ang mga kinauukulan hinggil sa martial law.
Sa kabila nito, nilinaw ni Go na batid niya pa rin na may banta talaga ng terorismo lalo na aniya kapag naalis ang martial law na posibleng samantalahin ng mga lawless elements.