JHOMEL SANTOS
IBALIK ang pamamahala sa tubig sa gobyerno kung kinakailangan. Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa isyu ng water crisis sa bansa sa special episode ng Usaping Bayan program sa SMNI News.
Ayon kay Pastor Apollo, kung makabubuti sa taumbayan ang pamamahala ng gobyerno sa tubig sa bansa ay dapat itong isulong.
Sa ngayon ay bago lamang nanalo sa kaso ang DENR laban sa Maynilad at MWSS na siyang namamahala ng tubig sa buong Pilipinas dahil sa hindi nito pagbibigay ng tamang serbisyo at pagsasaayos ng mga sewage lines at sewage treatment facilities.
Malinaw na nilabag ng Maynilad at MWSS ang section 8 of the Philippine Clean Water Act (Republic Act No. 9275) dahil bigo nilang nagawa ang kanilang tungkulin na isaayos ang mga sewage lines at sewage treatment facilities.
Samantala walang masama sa pagtanggap ng regalo kung pagmamagandang-loob ito. Ito ang naging reaksyon ng butihing pastor kasunod ng pagpabor ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis basta hindi ito panunuhol.
Sinabi ni Pastor Apollo na maaari namang tumanggap ang mga pulis sa bansa, kung wala namang kapalit sa pagbibigay ng regalo at walang nagrireklamo.
Batid din ng butihing pastor sa isinasaad ng batas ngunit aniya kung wala namang intensiyon na impluwensiyahan ang isang pulis sa kanilang trabaho ay hindi naman ito masama.
Sa ilalim kasi ng batas o Republic Act 6713 or The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ay ipinagbabawal sa mga pampublikong opisyal na manghingi at tumanggap ng “directly or indirectly gifts, gratuity, favor, entertainment, loan o anumang may monetary value.