POL MONTIBON
NAGPAPASALAMAT ang Doctors for Truth and Public Welfare kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong sabihin ang kahandaan na tanggalin ang ban na ipinataw sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Ayon kay dating Health Secretary Esperanza Cabral, mainam ang aksyon ng pangulo na kilalanin ang suhestyon ng mga Filipino medical expert na ipagamit ang bakuna dahil sa labis na pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa.
Sinabi ni Cabral na marami nang rekomendasyon at position papers ang naisumite ng mga medical expert sa pamahalaan kaya hindi aniya sila nagkulang sa pagpapa-alala at pagkumbinsi sa Department of Health na hayaang ipagamit ang bakuna.
Matatandaaan na isa ang grupo nina Cabral sa mga humihimok kay Health Secretary Francisco Duque III na tanggalin ang ban sa Dengvaxia at hayaan ang publiko na magdesisyon kung nais ba nilang gamitin ang bakuna kontra dengue.