JHOMEL SANTOS
Muling inihain sa Kamara ang mas pinalakas na bersyon ng Security of Tenure Bill o Anti-Endo Bill.
Ang House Bill 3381 na inihain ng Makabayan Bloc ang mag-aamiyenda sa Section 2 Article 106 ng labor Code of the Philippines na layong tuluyang wakasan ang lahat ng uri ng kontrakwalisasyon at fixed term employment gayundin ang direct hiring ng contructual employees.
Nakasaad sa panukala na ituturing bilang regular ang lahat ng manggagawa kabilang ang mga seasonal employees maliban na lamang sa mga nasa ilalim pa ng probationary employment.
Giit ng Makabayan Bloc, walang “healthy balance” sa isyu ng endo dahil walang nakukuhang benipisyo, proteksyon at pagkakataong ma-promote ang mga contractual workers na kadalasan pang target ng diskriminasyon.
Magugunitang Hulyo a-26 nang i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Endo Bill.