EYESHA ENDAR
NASA mahigit sa 70% nang tapos ang expansion project ng Clark International Airport na passenger terminal building.
Ito ay sa ilalim ng Regional Development Plan for North and Central Luzon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bahagi rin sa tinatapos na New Clark City, railway project na magdurugtong mula Clark hanggang Maynila.
Ang nasabing passenger building ay may kakayanang tulungan ang sobrang sikip ng bilang ng tao sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA hanggang sa labindalawang milyong pasahero kada taon.