Eyesha Endar
Inirekomenda ng National Research Council of the Philippines o NRCP ang pagpapalawig sa health insurance ng mga OFW.
Ito’y matapos ang isinagawang pananaliksik ng nasabing research group kung saan napag-alaman nito ang mababa at mahinang access ng mga land based pinoy workers sa medical at health services habang nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Kung kayat tumataas ang bilang ng hypertension, depression at iba pang uri ng sakit dahil sa sobrang pagtatrabaho.
Kaya naman inirirekomenda ngayon ng DOST-NCRP sa mga mambabatas na gawan ng konkretong batas na gawing portable ang health insirance ng mga OFW para sa agarang tugon sa serbisyong medikal para sa mga pinoy abroad.
Umaasa ang si DOST-NRCP Executive Director III Marieta Sumagaysay na pakikinggan ng hanay ng mga mambabatas ang kanilang pag-aaral para na rin sa kapakanan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.