EYESHA ENDAR
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Assistant Wendel Avisado bilang bagong secretary ng Department of Budget and Management (DBM).
Papalitan ni Avisado si DBM Officer-In-Charge Janet Abuel na pansamantalang itinalaga ni Pangulong Duterte matapos ilipat si Sec. Benjamin Diokno bilang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Si Avisado ay nagsilbing pointman ni Pangulong Duterte sa resettlement ng mga pamilyang nabiktima ng Bagyong Yolanda noong 2013, at naging Davao City administrator 2004 hanggang 2010 noong mayor pa ng lungsod si Duterte.
Nagsilbi rin si Avisado bilang assistant secretary ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at national president ng Boy Scout of the Philippines (BSP) na parehong hinawakan din ni dating Vice President Jejomar Binay.