MAGANDANG bukas ang binabadya sa mga atletang Pinoy ang mandato ng Philippine Sports Commission (PSC) na “welfare and security.”
Sa programa, isinulong ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, ang pakikipagtambalan ng ahensiya sa Social Security System para masiguro na makakatanggap ang mga atletang Pinoy ng mga inihahaing benepisyo ng SSS, kabilang na rito ang pension.
Sinabi ni SSS Chief Executive Officer Aurora Ignacio, na napapanahon ang programa ng PSC dahil sa katotohanang walang permanenteng katayuan ang mga atleta, coaches, at trainers sa Philippine team.
Batay sa kasalukuyang sistema ng PSC, nakakatanggap ng mahigit P40,000 ang elite athletes, habang may P15,000 ang mga miyembro ng developmental pool.