HANNAH JANE SANCHO
NAPAG-usapan na ng Department of Finance (DOF) at mga opisyal ngĀ Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao(BARMM) kung paano popondohan ang electrification program ng rehiyon.
Ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez, base sa naganap na pagpupulong nila kasama si BARMM Chief Minister Al Hajj Murad Ibrahim, ang funding mula sa Islamic countries sa Middle East ang isa sa magiging pagkukunan nila ng pondo.
Nabatid na wala pa ring maayos na suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Mindanao partikular ang BARMM.
Sinabi pa ng kalihim na magandang pagkakataon ito sa mga bansang nasa gitnang silangan para makapagbigay ng kanilang tulong hindi lamang para sa electrification program sa Mindanao kundi para na rin sa mga ikakasang proyektong pang-imprastraktura ng rehiyon.