TERRIJANE BUMANLAG
Pormal ng nagsampa ng reklamo si Executive Secretary Salvador Medialdea laban sa kolumnista at Special Envoy to China Ramon Tulfo.
Sa pamamagitan ng abogado ni Medialdea na si Atty. Elvis Balayan ay inihain ang kasong libel laban kay Tulfo sa Manila Prosecutors Office.
Personal na pinanumpaan ni Medialdea ang kanyang reklamo pero tumanggi itong magsalita sa media.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso dahil sa umanoy malisyosong artikulo ni Tulfo sa pahayagang The Manila Times kung saan inakusahan nito si Medialdea na sangkot umano sa PCSO scandal.
Sa nasabing artikulo, sinabi ni Tulfo na may tauhan si Medialdea para kumuha ng cut o bahagi ng reward money pero mariin itong itinanggi ng executive secretary.