TROY GOMEZ
Naniniwala ang Malakanyang na ang pagtatayo ng revolutionary government ang huling baraha ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag hindi nakamit ni Pangulong Duterte ang kanyang objectives dahil sa iba’t ibang balakid ay magiging huling baraha nito ang pagtatayo ng revolutionary government.
Iginiit ng Pangulo na isusulong pa rin niya ang paglaban sa corruption at illegal drugs sa nalalabi niyang tatlong taon sa kanyang termino.
Siniguro din ni Panelo na matatapos ni Pangulong Duterte ang kanyang termino hanggang 2022.