JAMES LUIS
MATAPOS ang PBA Finals, ipagpapatuloy ng San Miguel Beermen at TNT Katropa ang kanilang pagtutunggali sa Terrific 12 East Asia Super League na gaganapin sa Macao sa susunod na buwan.
Ang mga koponan ng mga professional basketball leagues mula sa bansang China, Japan at South Korea ang inaasahang lalahok sa nasabing liga.
Ang mga lalahok na grupo sa East Asia Super League ay ang Lianoning Flying Leopards, The Schenzhen Aviators, at Zheijang Guansha Lions mula sa China; ang Chiba Jets, Niigata Albirex, Ryukyu Golden Kings at Utsonomiya Brex naman sa bansang Japan; at Jeonju KCC Egis at Seoul SK Knights naman mula sa bansang Korea.
Ang mananalong koponan ay mag-uuwi ng $150,000, ang runner up ay makakatanggap ng $100,000 at $50,000 naman para sa third place.
Tatakbo ang patimpalak mula Setyembre 17- 22.