GINANAP noong July 23 ang Philippine 2019-30th SEA Games broadcast and media conference kung saan dumami ang suporta ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) mula sa pribadong sektor para sa hosting ng South East Asian Games.
Pinangunahan ni PHISGOC chief operating officer Ramon Suzara ang PHISGOC sa paglagda ng kasundun na ginanap sa Sofitel Manila.
Kabilang na ang Skyworth Group Limited at Cignal TV Inc. sa mga pribadong kompanya na nagpahayag ng suporta sa paghahanda ng pamahalaan sa biennial meet.
Kinatawan ang Skyworth, nangungunang supplier ng technology solutions, ni General Manager Johnny Wang, habang lumagda para sa Cignal TV, premyadong Direct to Home (DTH) satellite provider, ang president at CEO na Jane Basas.
Kasama rin sa sponsorship ang Mikasa, Marathon, Molten at Asics, sa pamamagitan ng Sonak Corporation; ang national carrier na Philippine Airlines; Ajinomoto; at Pocari Sweat.