TUMATAGINTING na P34 milyon ang kinita ng tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pelikulang “Hello Love Goodbye.”
Sa unang araw pa lamang ng showing nito, noong July 31 ay hindi makakaila na certified Box Office Hit ang kauna-unahang team-up ng dalawa.
Dahil dito, labis ang pasasalamat ng buong production team ng pelikula.
Halos napantayan nito ang kinita ng highest grossing pinoy film na “The Hows of Us” na nakapagtala ng P35-million sa opening day.
Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at panulat ni Carmi Raymundo, kwinento at binigyang buhay ng “Hello, Love, Goodbye” ang buhay ng dalawang overseas Filipino workers sa Hong Kong.
Mapapanood ang naturang pelikula sa mahigit 350 na sinehan sa buong bansa.