JHOMEL SANTOS
Maaari nang mabigyan ng cash benefits ang mga unemployed members ng Social Security System o SSS.
Ang unemployment benefit ay isa sa mga benepisyung laan sa mga miyembro sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.
Ayon kay SSS President And Chief Executive Officer Aurora Ignacio, sa pamamagitan ng benepisyung ito, ang mga miyembro kasama ang mga kasambahay at Overseas Filipino Workers (OFWS) ay pinagkakalooban ng dagdag na social security protection.
Kung ang isang miyembro ng SSS ay may sahod na P10,000 kada buwan sa huling buwan sa trabaho, ang cash assistance nito ay aabutin ng P5,000 pesos kada buwan o kabuuang 10,000 pesos para sa dalawang buwang maximum period.
Ang mga benepisyaryo ay hindi hihigit sa 60 taong gulang mula nang mawalan ng trabaho at nakapagbayad ng tatlumpu’t anim na monthly contribution sa loob ng 12 buwan bago naalis sa trabaho.
Ang involuntary separations mula March 5, 2019 ay may unemployment insurance.
Maaaring magtungo sa alinmang sangay ng SSS para makuha ang kanilang unemployment separation benefit.