PUMALO sa 11 residente ang sinapian ng masasamang elemento sa isang bahay sa Iloilo City. Ayon sa ibang mga residente doon, matapos na maglinis ng punso, tila may nagambala raw ang mga nasabing tao na nasapian, na masasamang elemento na nagbabantay raw sa lugar kung saan sila naglinis.
Hindi makapaniwala ang mga residente sa nakakagimbal na mga pangyayari maging mga anak, pamilya at kapitbahay ng mga nasapian ay takot na takot at hindi alam ang gagawin kung hindi magdasal.