Ni: STEPHANIE MACAYAN
NAGIGING patok ang mga midsize trucks ngayon dahil ang mga ito ay ‘di hamak na mas abot-kaya ng budget ng marami kumpara sa mga full-size model na pick-up truck.
Kung ang hanap mo ay sasakyan na may magandang hubog, mga work truck, o swabeng sedan na may pickup bed, ang midsize truck ang bagay sa iyo.
Ang mga midsize model na pick-up truck ay perpekto para sa mga mahilig magdala ng bike, mga gamit pang sports, o ‘di kaya ay umakyat sa bundok, at iba pang mga kagamitan na hindi basta-basta mailalagay sa mga tipikal na sasakyan tulad ng SUV o di kaya ay maliliit na sedan.
Ang mga ito ay may maliit na engine kaya abot-kaya ang presyo ng gas nito kumpara sa mga full-size na pick-up truck. At ito ay mas madaling i-maniobra lalo na sa mataong lungsod o kaya sa mga parking lot dahil ito ay mas maliit at maginhawa i-maneho at dalhin sa iba’t ibang lugar.
Narito ang ilan sa mga nangungunang midsize truck sa Amerika at iba pang bansa.
Ang 2019 Honda Ridgeline ay kayang magkarga ng mga paboritong sports equipment.
2019 Honda Ridgeline
Ito ay may unibody frame na sumusuporta sa istraktura ng sasakyan dahil mataas ang towing capacity nito. Bukod dito, ang espasyo nito ay malaki at komportable para sa apat hanggang anim na tao. Mayroon din itong kakaibang disensyo — may dual-action tailgate na nabubuksan pababa at sa gilid nito ay maaaring i-lock.
Ang presyo nito ay nagsisimula sa $30,705 at aabot ng 1,600,000 sa Philippine peso. 5,000 pounds naman ang towing capacity nito.
ANG Jeep Gladiator ay kayang towing truck na kayang humila ng halos kasing bigat ng isang sedan.
Jeep Gladiator
Kaya ng bagong Jeep Gladiator pick-up na magsakay ng halos five-foot na kama sa likod nito. Tulad ng inaasahan sa isang sasakyan na may seven-slat grille, ang Gladiator ay talaga namang magandang gamitin sa kalsada.
Ang presyo nito ay aabot ng $35,040, halos 1,800,000 sa Philippine peso. Ang towing capacity nito ay 7,650 pounds at ang bed length nito ay 5 feet.
Desenyo ng 2019 Chevrolet Colorado
2019 Chevrolet Colorado
Ang 2015 model ng Chevrolet Colorado ay naging popular simula nang ito ay ilabas. Ilang taon na ang nakalipas, ang 2019 Colorado pa rin ang pinaka mahusay na midsize truck. Kung ikaw ay mahilig sa malubak at mabatong daan ito ang suggested midsize para sa iyo.
Mabibili ito sa halagang $22,395 o aabutin ng halos 1,200,000 sa Philippine peso. Ang towing capacity nito ay 3,500 pounds at ang truck bed length nito ay 5.2 feet hanggang 6.2 feet.
Disenyo ng 2019 Toyota Tocoma
2019 Toyota Tacoma
Ang 2019 Tacoma ay nag o-offer ng malakas na towing capacity at mahusay ang off-road ability nito. Meron din itong modernong amenities at safety features na nakikipagsabayan sa mga pinaka modernong midsize pick-up truck. At ito ay madadala kahit saan magpunta.
Ito ay may halagang $35,830 o 1,900,000 sa Philippine peso. May apat na upuan at ang towing capacity nito ay 3,500 pounds.
Ang presyo ng mga ito ay maaring mai-kumpara at nang malaman mo kung ano ang pasok sa iyong budget.
Ang lahat ng ito ay maganda at talaga naman magagamit lalo na kung mahilig mag travel na may kasamang extreme activities. Lahat ng iyan ay maari mong maranasan sa lahat ng klase ng midsize truck, maging wais lamang sa pagpili upang walang pagsisihan sa huli.
\
Caption:
ANG Jeep Gladiator ay kayang towing truck na kayang humila ng halos kasing bigat ng isang sedan.