NAGDAGDAG ng dalawa pang fixed portal scanner ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila.
Pinangunahan ang commissioning at turn-over ng mga scanner ni Custom Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Sa pahayag ng X-ray Inspection Project (XIP) ng BOC, kayang makapag-scan ang nasabing makina ng 120 na containers kada araw.
Bunsod nito, inaasahang mas mapapaigting pa ang kakayahan ng BOC sa pag-detect ng mga smuggled at misdeclared items na ipinapasok sa bansa.
Magagamit din aniya ang mga ito sa kampanya laban sa iligal na droga.
Tiniyak naman ni Guerrero na walang korapsyon sa paggamit ng bagong kabit na x-ray scanners sa Port of Manila.
POL MONTIBON