Ang papuri ay ang ating taos-pusong pagpahayag ng pagmamahal, pagsamba at walang katapusang pasasalamat sa ating Dakilang Ama sa lahat ng bagay na ginawa Niya sa ating mga buhay. Hindi natin Siya mababayaran ng pera o ginto dahil Kanyang pagmamay-ari ang lahat. Ang kailangan Niya ay ang ating tunay na papuri sa Kanya na may pasasalamat sa ating mga puso. Ang papuri ay pasasalamat ng inyong puso at pagpupuri sa Kanya dahil sa Kanyang ginawa para sa atin.
Gusto ng Dakilang Ama ang ating mga papuri. Nagbigay Siya ng kautusan sa bawat nilalang na mag-alay ng papuri at pasasalamat sa Kanya. Kapag kayo ay magpuri sa Kanya, kayo ay magpuri sa Kanya dahil sa Kanyang dakilang mga gawa.
Ang papuri ay ating deklarasyon kung gaano kabuti at makapangyarihan ang ating Dakilang Ama. Ito ang ating relasyon sa espiritu ng Ama sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak. Pinupuri natin Siya dahil binigyan Niya tayo ng isang bagong espiritu.
Ang papuri ay isa ring pag-aalay sa ating mga sarili sa Kanya. “Panginoon, narito ako, inaalay ko ang aking sarili sa inyo, gamitin ako sa anumang kakayanan na nais niyo akong gamitin. Narito ako. Ako ay maaaring pakinabangan.”
Kailangan muna ninyong linisin ang inyong sarili dahil hindi Niya tinatanggap ang papuri na nagmumula sa pusong masama ang loob, mula sa pusong nagtatampo ngunit kung tayo ay nakapagsisisi, tayo ay pinagaling na mula sa lahat ng iyan.
Juan 4: 21-24
(21) Sa kaniya’y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.
(22) Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka’t ang kaligtasan ay nanggagaling sa Judio.
(23) Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
(24) Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at katotohanan.
Ibabalik nating lahat ang ating unang pag-ibig. Ang pag-ibig sa pagsusunod sa Kanya. Ang pinakamahusay na papuri ay manggagaling sa mga mananamba na naisilang na muli sa espiritu sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Ito ang papuri na kalugod-lugod sa Kanya at nakasisiya sa Kanya. Anumang bagay na inyong ginawa na walang pag-ibig ay walang halaga. Ano ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay ang namumukod-tanging pagsusunod sa Kalooban ng Ama.
Ang Dakilang Ama ay nagsasalita patungkol sa pisikal na buhay at sa espirituwal na buhay sa parehong panahon. Sinasalita Niya ang patungkol sa pisikal na kamatayan kagaya lamang sa pagkatulog; ang tunay na kamatayan ay ang espirituwal.
Kaya sa ating naglilingkod sa Ama na dumaan na sa pisikal na kamatayan ay hindi namatay; sila ay nagpapahinga lang, sila ay natutulog lang. Sila ay buhay na kasama natin sa espiritu na may maluwalhating katawan, kagaya ng sinasabi sa Juan 5:21:
(21) Sapagka’t kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila’y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.
Bubuhayin ng Anak ang sinumang Kanyang iibigin. Kaya sa mga nakikinig sa akin ay mabubuhay mula sa patay. Sinasalita ko ang espirituwal na kamatayan. Kahit na kayo ay buhay sa pisikal, kapag wala kayong pagsisisi, sa bagong buhay kayo ay patay sa paningin ng Panginoon. Ngunit ang mga nagsisisi na dati ay patay ngayon ay nabubuhay.
Itinukoy ito sa 2 Kay Timoteo 2: 11-12:
(11) Tapat ang pasabi: Sapagka’t kung tayo’y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
Pinili ninyo ang kamatayan ng Panginoong Kristo Hesus, kagaya ng aking ginawa. Paano ko pinili ang kamatayan ng Panginoong Kristo Hesus? Sa pamamagitan ng pagsisisi. Pinili ninyo ang kamatayan ng Panginoong Kristo Hesus sa pamamagitan ng pagsisisi. Kaya kung pinili ninyo ang Kanyang kamatayan, kayo rin ay mabubuhay na kasama Niya.
Sa aking ministeryo, hindi kayo nabubuhay muli sa kapahamakan, ngunit kayo ay nabubuhay muli sa pagkabuhay. Kaya kung kayo ay mananatili sa akin hanggang sa katapusan, masusumpungan niyo rin ang pagkalupig ng kamatayan. Abril 13, 2005 ay ang araw kung kailan ang gawain ng kaligtasan ng Dakilang Ama ay nakumpleto sa Kanyang Anak.
Sino ang nais na maluwalhati kasama ng Hinirang na Anak? Ang may kakayahang makagawa niyan ay ang mga nakapagsisisi na – ang kanilang puso ay nakapagpasya na, ang kanilang isipan ay buo na at sila ay may espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Ang Glorification ay ang huling yugto ng mga pisikal na katawan na magiging mabago patungo sa espirituwal na mga katawan. Ito ay unang mangyayari sa Hinirang na Anak.
Ito ay binabanggit sa Juan 5:24
(24) Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa Kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
Kayo ay ibinabago sa Kaniyang imahe mula sa kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian. Bakit narito ako ngayon? Narito ako upang baguhin kayo na maging imahe ng Hinirang na Anak.
Ipinaliwanag din ito ng maigi sa 2 Mga Taga-Corinto 3:18
(18) Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.
…………..Itutuloy