NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG KABANALAN ay matatagpuan sa mga puso, isip at espiritu ng tao na isinuko ang kanilang binhi ng serpente at tumanggap ng bagong espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Diyan nagtataglay ang kapangyarihan ng Kanyang muling pagkabuhay.
Ang muling pagkabuhay ng Bugtong na Anak ay sumisimbolo sa pagtatagumpay ng buhay laban sa kamatayan. Ito ay higit sa buhay ng mundong ito at ang lahat ng bagay ay nasa ilalim ng Kanyang paanan habang tayo’y namamagitan sa Kanya bilang ating Dakilang Ama, na siyang ipinagkatiwala ang Kanyang gawain dito sa mundong ito ngayon sa Hinirang na Anak.
Ito ang ibig ipakahulugan ng Mga Taga-Roma 8:34 at Pahayag 1:18
(34) Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin.
(18) At ang Nabubuhay; at ako’y namatay, at narito, ako’y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.
ANG PAGKABAGO NG BUHAY
Lagi nating pinag-uusapan ang tungkol sa pagkabuhay at pagkaluwalhati kagaya ng ang Bugtong na Anak ay muling nabuhay mula sa patay. Sa mga sumunod at tumalima sa Kanya ay maging mabuhay na muli mula sa kamatayan hanggang sa imortalidad at karanasan sa pagkabago ng buhay.
Inihalintulad ito sa 1Mga Taga-Corinto 15:21-22
(21) Sapagka’t yamang sa pamamagitan ng tao’y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao’y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
Ang sinasabi ko ay ang patungkol sa ating unang magulang na si Adan. Ang kamatayan ay nagsimula sa kanya. Ngunit tinatalakay ko rin ang isang tao mula sa nagkasalang lahi ni Adan, ang Hinirang na Anak, kungsaan ay nagsimula ang buhay para sa sangkatauhan sa ating modernong panahon.
(22) Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay nangamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
At maging sa Mga Taga-Roma 6:3-7
(3) O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
(4) Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay.
(5) Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli.
Sa atin ay hindi pangkatawan, pisikal na kamatayan na kagaya sa Kanya. Ito ay sa pamamagitan ng pagsisisi. Ang pagsisisi ay kamatayan, ang pagbautismo ay pagkalibing at ang pagkakaroon ng bagong espiritu ay ang bagong buhay.
(6) Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
Upang tayo’y hindi na gagawa ng ating sariling kalooban.
(7) Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.
Kaya kailangan nating magsisi at ang pagsisisi ay ang susi. Makikita natin ito sa Juan 11:25-26,
(25) Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya;
(26) At ang sinomang nabubuhay na maguli, at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?
ANG PAGSISISI ANG SUSI SA PAGKABUHAY NA MAGULI
Ang Dakilang Ama ay nagsasalita patungkol sa pisikal na buhay at sa espirituwal na buhay sa parehong panahon. Sinasalita Niya ang patungkol sa pisikal na kamatayan kagaya lamang sa pagkatulog; ang tunay na kamatayan ay ang espirituwal.
Kaya sa ating naglilingkod sa Ama na dumaan na sa pisikal na kamatayan ay hindi namatay; sila ay nagpapahinga lang, sila ay natutulog lang. Sila ay buhay na kasama natin sa espiritu na may maluwalhating katawan, kagaya ng sinasabi sa Juan 5:21:
(21) Sapagka’t kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila’y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.
Bubuhayin ng Anak ang sinumang Kanyang iibigin. Kaya sa mga nakikinig sa akin ay mabubuhay mula sa patay. Sinasalita ko ang espirituwal na kamatayan. Kahit na kayo ay buhay sa pisikal, kapag wala kayong pagsisisi, sa bagong buhay kayo ay patay sa paningin ng Panginoon. Ngunit ang mga nagsisisi na dati ay patay ngayon ay nabubuhay.
Itinukoy ito sa 2 Kay Timoteo 2: 11-12:
(11) Tapat ang pasabi: Sapagka’t kung tayo’y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
Pinili ninyo ang kamatayan ng Panginoong Kristo Hesus, kagaya ng aking ginawa. Paano ko pinili ang kamatayan ng Panginoong Kristo Hesus? Sa pamamagitan ng pagsisisi. Pinili ninyo ang kamatayan ng Panginoong Kristo Hesus sa pamamagitan ng pagsisisi. Kaya kung pinili ninyo ang Kanyang kamatayan, kayo rin ay mabubuhay na kasama Niya.
(ITUTULOY)