NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
ANO ang plano ng kaligtasan upang tuluyang mailigtas ang tao? Si Jesus Christ ay pumarito upang ipakilala ang Bagong Kasunduan upang maaaring magamit ng tao ang kanyang malayang pagpili. Siya ay may pagpili na umalis sa pananakop ni Satanas sa pamamagitan ng pag-ahon at pagsunod sa Kalooban ng Ama kung kaya ang demonyo ay nakipagsugal sa bawat isa na nais hawakan ang Bagong Kasunduan.
Ang demonyo ay isang dalubhasang manlilinlang dahil patuloy na kanyang nalilinlang ang tao. Sa isanlibo’t siyam naraan at limampung taon, nakikitungo Siya sa tao ngunit hindi nila namamalasan ang aking namalas. Hindi nila namamalasan ang pagsusunod hanggang sa dumating ang isang tao mula sa makasalanang lahi ni Adan.
ANG PAGKATALAGA NG HINIRANG NA ANAK
Nakita ng aking ina ang isang pangitain ng Panginoon na nakahilata sa ibabaw ng ulap at narinig niya ang isang tinig noong Abril 25, 1950 habang ipinapanganak niya ako. Nakarinig siya ng tinig. Nakakita siya ng isang pangitain. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Iyan ang aking anak.” Nang binuhay ang pagkatalaga sa aking buhay, nakarinig ako ng tinig na nagsabi sa akin, “Gagamitin kita.” Hindi ko mauunawaan iyan ngunit Kanya akong dinala sa dalawang bundok sa anim na taon. Itinalaga ako ng Ama at ginamit Niya ako, exodus mula sa relihiyon at denominasyon at alam niyo na ang istorya. Tayo ngayon ay Bansang Kaharian ng Ama na tumatayo laban sa mga panlilinlang ng demonyo, nakikipagbaka laban sa kanya saan man siya tutungo.
Ano man ang sinasabi sa akin na Ama, ako’y susunod sa Kanya, maunawaan ko man o hindi ang Kanyang utos hangga’t ito’y nagmula sa Dakilang Ama, susundin ko ito. Hindi ko gagamitin ang aking karnal na pag-iisip, hindi ko gagamitin ang aking natural na pag-uunawa. Hindi ako magtatanong sa Kanya. Gagawin ko para sa Kanyang kagalakan.
Lahat ng bagay sa ministeryong ito ay bigay ng Panginoon. Ang lahat ng bagay ay bigay ng Panginoon. Bawat ministeryo sa ministeryong ito ay nagmula sa Kanya at mayroon lamang isang layunin para sa bawat isa sa ministeryong ito: upang maging mga hinirang na anak na lalaki at anak na babae na kagaya ko. Tutungo sa antas kungsaan wala nang mag-aalinlangan sa inyong katapatan, kungsaan wala nang taong magdududa sa inyong katapatan at ng inyong pagsusunod sa trono ng Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak.
MGA TAGAPAGTANGGOL NG TRONO
Kapag kayo ay matapat sa Kalooban ng Ama, handa kayong ipagtanggol ang trono ng katuwiran. Kayo ay tatayo sa sinumang magtangkang sirain ang trono ng Ama sa pamamagitan ng Anak. Paano ninyo ipagtanggol ang trono ng katuwiran ng Ama na narito sa lupa sa pamamagitan ng Hinirang na Anak? Hindi kayo maniwala sa mga akusasyon. Huwag ninyo silang harapin. Sa halip ay kumuha kayo ng tabak at gamitin ang inyong bibig at putulin yaong mga espiritu ng ahas, bawat isa sa kanila putulin ninyo sila.
Sa ngayon, nararapat na kayo ay tumatayo na kagaya ko, nakikisama, pinatatatag ang iba sa pamamagitan ng inyong mga testimonya, pinapatatayo ang iba na maging matapat, tinuturuan sila kung paano maging matapat, tinutulungan sila kung paano ibigin ang Trono ng Katuwiran sa pamamagitan ng Hinirang na Anak dahil ganyan dapat ang inyong paningin sa Hinirang na Anak – isang espirituwal na tao ng Panginoon sa mundong ito ngayon.
Hindi ninyo nalalaman na naririto na ako sa mahigit tatlumpu’t taon ng ministeryo na ito. Hindi ninyo nalalaman kung paano ko nararanasan ang walang-wala sa buhay. Hindi ninyo nalalaman na noong unang mga taon, wala akong isang sasakyan. Nilalakad ko lamang ang post office. Hindi ninyo nalalaman na mayroon akong limang manggagawa na kasama ko at ang aking badyet ay P50.00 sa bawat linggo. Kaya pumupunta ako sa palengke tuwing gabi upang bumili ng mga patapuning mga gulay at mga isda dahil iyan lamang ang makakaya kung bilhin. Hindi lamang ‘yan isang buwan, ‘yan ay ilang taon kung nararanasan. Hindi pa aktibo ang aking Ministeryo sa Kaharian ng mga panahong iyon. Nasa denominasyon pa nga ako noon ngunit mayroon nang sumisimboyo sa akin. Naglalakad ako na wala ni isang tumutustos sa mga pangangailangan ko. Naglalakad ako ng gutom, walang patutunguhan.
PINILI KONG MAGING HINIRANG NA ANAK
Mayroon akong dalawang pagpipilian nang ang kapangyarihan at otoridad ay ibinigay sa akin sa Kaharian ng Langit: magiging mayaman para sarili lamang at tumakas mula sa inyo at maging kagaya ng demonyo o maging kasangkapan bilang isang Hinirang na Anak upang itatag ang Kaharian ng Langit sa lupa; tumanggap ng mga anak na lalaki at anak na babae at maging isang Bansang Kaharian, ang pinakamaunlad na kaharian sa balat ng mundo sa pisikal, pinansyal at espirituwal. Pinili ko ang pangalawa.
Mayroon akong lahat ng bagay – hindi sa aking pangalan kundi sa pangalan ng ating Dakilang Ama. Wala akong bank account ang aking bank account ay nasa Bangko ng Langit. Doon ako nagwi-withdraw. Kung hinahanap ninyo ang aking pera, hindi ninyo ito matatagpuan dito sa lupa. Ang lahat ay nandoon sa langit. Ang pangalan ng bangko ay Ang Bangko ng Langit ng Bagong Herusalem. Ako ang nag-iisang depositor. Tingnan ninyo ang aking bank account doon, pagmamay-ari ko ang lahat ng ginto; pag-mamay-ari ko ang mga pilak ng mundo.
(ITUTULOY)