TERRIJANE BUMANLAG
NAGPAHAYAG ng suporta at financial assistance ang basketball legend na si Michael Jordan sa mga biktima ng hurricane sa Dorian.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng 1 million US dollars sa relief operations na isinasagawa sa mga nasalanta ng bagyo sa Bahamas.
Ayon sa spokeswoman ni Jordan na si Estee Portnoy, malapit sa puso ng dating NBA superstar ang mga naninirahan sa nasabing isla.
Magugunita na madalas din pumasyal si Jordan sa Isla ng Bahamas dahil na rin sa pagmamay-ari ng ilang properties.
Naniniwala ang dating Six Time NBA Champion at ngayo’y may-ari ng Charlotte Hornets, na malalagpasan ng mga taga-Bahamas ang nangyaring pananalasa ng bagyo.
Hiling din nito na sana ay makatulong ang kanyang donasyon sa mabilis na pagbangon ng Bahamas.