ISANG walong taong gulang na bata sa Cebu tinubuan ng mahigit 200 na piraso ng ngipin. Ayon sa eksperto ang ganitong kakaibang sakit ay tinatawag na Hyperdontia.
Ngayong 13 anyos na ito, dalawang operasyon na ang naisagawa sa kaniya upang matanggal ang sobrang mga ngipin. Bukod sa operasyon sa ngipin, sumailalim din siya sa operasyon sa puso.
Matapos ang ilang operasyon, mayroon namang 80 na ngipin ang tumubo at sa ngayom mayroon na siyang 150 na ngipin at ang iba dito ay sa pisngi at ilalim ng mga mata na tumubo.