ISANG binatilyong labindalawang taong gulang ang aksidenteng natuhog sa gate ng isang eskwelahan sa Tunga, Leyte. Itinago siya sa pangalan na “Clark” at inilahad na natuhog ang kanyang kaliwang-balikat matapos niyang subukan na mag “over the bakod” sa gate ng paaralan.
Noong inutusan siya ng kanyang tiyahin na magdala ng sobre sa simbahan na katapat lamang ng paaralan, naisip ng binatilyo na umakyat ng bakod para mag-shortcut para mapabilis ang pagpunta niya sa simbahan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalundag niya, nawalan siya ng balanse kaya napakapit siya sa bakal ngunit ang kanyang kaliwang braso ay natuhog sa spike ng gate ng eskwelahan.