ISANG binatilyo ang aksidenteng natuhog sa gate ng isang eskwelahan ng Tunga, Leyte. Natuhog ang kanyang kaliwang balikat matapos subukan na mag ‘over the bakod’ sa nasabing gate ng paaralan.
Noong inutusan siya ng kanyang tita na magdala ng sobre sa simbahan nagkataon naman na ang simbahan at paaralan ay magkatapat lamang kaya naisip ng binatilyo na umakyat para magshortcut para mapabilis ang pagpunta niya sa simbahan. Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay pagkalundag niya ay nawalan siya ng balanse kaya napakapit siya sa bakal ngunit ang kanyang kaliwang braso ay natuhog sa spike ng gate ng eskwelahan.