ALYSIA Montańo
Tatanggapin ni Alysia Montańo ang dalawang bronze medals matapos ma-disqualify ang Russian athlete na si Mariya Savinova dahil sa doping violation.
Magugunitang nagtapos sa 4th place si Montańo sa nakaraang 2011 at 2013 world championships.
Nagpasalamat din si Montańo kay Russian Whistleblower Yulia Stepanova dahil sa pagsisiwalat sa doping incidence.
Nakatakdang ibigay kay Montańo ang kanyang mga medalya sa 800-meter races sa isang seremonya na gaganapin sa Doha, Qatar sa darating na September 30.