MARGOT GONZALES
KASABAY ng pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, inihain ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang panukalang pagpapalit sa pangalan ng Arm Forces of the Philippines headquarters na Camp Aguinaldo.
Sa House Bill No. 4047, nais ng mambabatas na tawagin ang Camp Aguinaldo na Camp General Antonio Luna.
Ito ay bilang pagbibigay pugay sa dating heneral na lumaban para sa kalayaan ng bansa mula sa pananakop ng mga Amerikano noong Philippine –American War.
Nagsilbi rin aniyang chief of staff ng Philippine revolution si Luna hanggang sa araw ng kanyang kamatayan.
Kaugnay nito, nilinaw ni Pimentel na ang panukalang batas ay hindi para siraan ang dating pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.